Nakibahagi ang Maguindanao del Sur Police Provincial Office (MDS PPO) sa ikaapat na coordination meeting kahapon Oktubre 26 bilang paghahanda sa inaugural session ng mga miyembro ng Bangsamoro Parliament.
Pinangunahan ni MDS PPO Provincial Director PCOL Michael John C. Mangahis ang paglahok ng tanggapan sa naturang pulong sa pamamagitan ng virtual platform.
Tinalakay sa pagpupulong ang pagpapalakas ng koordinasyon ng mga ahensya, paghahanda sa seguridad at kahandaan sa operasyon para sa nalalapit na inagurasyon ng mga mambabatas ng Bangsamoro.
Bahagi rin ng paghahanda ang pagtiyak sa maayos at ligtas na pagsasagawa ng mga aktibidad na may kaugnayan sa inaugural session at sa halalan ng susunod na Chief Minister ng BARMM.

















