Nakatanggap ng banta ng p@m4m4ril ang isang guro sa Senior High School sa Barangay Casisang, Malaybalay City, Bukidnon, na umano’y isasagawa ng isang hindi pa nakikilalang indibidwal ngayong Lunes, Oktubre 26, 2026.
Batay sa impormasyong inilabas, ipinadala ang banta sa pamamagitan ng isang group chat gamit ang hindi pa nakikilalang account.
Ayon sa mensahe, isasagawa umano ang p@m4m4ril sa paaralan dakong alas-9:00 ng umaga.
Nagpadala rin ang naturang indibidwal ng video na nagpapakita ng mga armas na umano’y inihanda nito.
Ayon kay Barangay Casisang Punong Barangay Gregorio “Digs” Jaroy, paiigtingin nila ang seguridad sa paaralan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro.
Kanselado ngayong araw ang face-to-face classes sa nasabing paaralan.
Naitala na sa police blotter ang insidente at nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang responsable sa pagbabanta.
















