Posibleng dumalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa inaugural session ng Bangsamoro Parliament bukas, Oktubre 30, bagama’t hindi pa kumpirmado ang kaniyang pagbisita.
Sa panayam kay Bangsamoro Transition Authority (BTA) Secretary General Professor Raby Angkal, sinabi nitong kabilang sa mga palatandaan ng posibleng pagdalo ng Pangulo ang pagdating ng advance party nito at pakikipag-ugnayan ng kaniyang security personnel sa mga kinauukulang opisyal para sa paghahanda ng seguridad.
Gayunman, nilinaw ni Angkal na hindi pa matiyak ang pagdalo ng Pangulo dahil nakadepende ito sa mga konsiderasyon sa seguridad.
















