Nagpapatuloy parin ang wheel clamping operation ng Cotabato Transportation and Traffic Management Center (CTTMC) sa ilang bahagi ng downtown Cotabato City nitong Miyerkules, Nobyembre 11, 2026.

Sa pahayag ng CTTMC Chief na si Moin Nul, sinabi nito na may ilang sasakyan pa ring hindi nakaligtas sa naturang operasyon habang iniikot ng kanilang mga tauhan ang lugar.

Humingi rin ng paumanhin ang tanggapan sa mga motorista na naapektuhan ng pagpapatupad, at iginiit na bahagi ito ng kanilang tungkulin.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ang mga motorista na sumunod sa mga patakaran sa paradahan at umiwas sa mga lugar na bawal pagparadahan upang hindi maabala at maiwasan ang pagkaka-wheel clamp ng kanilang mga sasakyan.