Gumawa ng eksena at muntikanan nang magpakamatay ang isang lalaking may malaking problema diumano sa kanyang buhay sa isang bahagi ng Highway ng Bayugan Dos sa San Francisco sa Agusan del Sur ngayong umaga.

Humiga sa gitna ng kalsada ng highway ang lalaki dahil nais umano nito magpasagasa sa mga dumaraang mga sasakyan. Ang resulta, nagsanhi ito ng mabigat na daloy ng trapiko sa lugar.

Nagtulungan naman ang mga opisyales ng Barangay na maialis sa naturang lugar ang nasabing lalaki upang hindi na makaabala pa at makagawa pa ng eksena.

Nanawagan naman ang mga residente sa LGU na ipasuri ang lalaki kung ito man ay may dinaramdam o may depekto sa kaniyang kaisipan.