Isinagawa ng Lanao del Sur Provincial Police Office ang pagbisita at Red Teaming Inspection sa mga nakaduty na personahe ng kapulisan sa Barangay Patani, Islamic City of Marawi.

Sa naging pagbisita, pinaalalahanan ni Police Col. Robert Daculan ang Provincial Director ng Lanao Del Sur Police ang mga tauhan nito na maging vigilante at mapagmatiyag sa lahat ng oras at tiyakin ang kahandaan sa oras na may mga pangangailangan at iba pang direktiba sa mas nakatataas.

Iginiit din nito na ang presensya ng kapulisan sa lugar ay mahalaga upang masawata ang iba’t ibang uri ng kriminalidad na maaring lumaganap sa naturang lungsod.