Di na nakaabot ng buhay sa pagamutan ang isang mangingisda matapos na mauwi sa saksakan ang kanilang pagtatalo sa sispel kahapon ng madaling araw sa Barangay Kusiong, bayan ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao del Norte.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Nigie Julio y Manggalion, 28 anyos habang sumuko ng kusa ang suspek na si Julito Julio na parehas na residente sa lugar.

Lumalabas sa imbestigasyom ng RMFB 14 na biglang lumapit ang suspek at sa kainitan ng kanilang pagtatalo ay biglang umunday ng saksak si Julito sa katawan ng biktima na agad nakaganti kung saan may tama ng saksak ang binti ng suspetsado.

Agad naman na nadala ang dalawa sa pagamutan katuwang ng mga rumespondeng pulisya ngunit dead on arrival na si Nigie habang si Julito naman ay nilapatan ng paunang lunas.

Sa ngayon, nakaburol na ang labi ni Nigie habang naka hospital arrest si Julito at bantay sarado ng pulisya.

Photo for illustration purposes only.