Nagpaalala ang pamahalaang lungsod ng Cotabato sa FB page nito na nasa regular na pagmimintina o maintenance check ang mga traffic lights sa mga kalakhang daan sa lungsod.

Nagpaabot naman ng taus-pusong pagpapaumanhin ang pamahalaan sa abala na maidudulot ng naturang maintenance time.

Pinapaalalahanan nito ang mga pedestrian maging ang mga motorista na maging maingat sa pagmamaneho o pagtawid.

Nagpasalamat naman ang LGU sa mga makakaintindi sa kanilang trabaho upang mapagbuti ang kaligtasan sa kalsada.