Dahil sa pangamba at takot na maipit sa gulo, nagsilikas ang mga residente ng mga Barangay ng Bualan, Lagunde ng Tugunan, SGA-BARMM, Pagangan, Aleosan, North Cotabato, Sitio Kadingilan. matapos sumiklab ang tensyon sa pagitan ng dalawang dati nang magkaridong grupo na pawang mga kasapi ng 105th Base Command ng BIAF-MILF.

Ayon sa paunang ulat ng isa sa mga lumikas, ang naging ugat ng nasabing tensyon ay ang pagkakasawi ng dalawang indibidwal na kinilalang sina Abo Hadi Ampatuan at Mursal Adteg na parehong miyembro ng 3rd Brigade sa ilalim ni Commander RP ng 105th Base Command ng BIAF-MILF.

Sa ngayon, pansamantalang nanunuluyan ang mga apektadong residente sa covered court ng Brgy. Bualan at Brgy. Nalapaan, Pikit, Cotabato.