Sa kulungan magbubuno ng mga araw ang isang nagpakilalang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF matapos itong maaresto sa pagbebenta ng armas at bala sa lungsod ng Marawi.

Sa ulat na ibinahagi ng CIDG-BAR, nagsagawa ito ng buy-bust katuwang ang mga iba pang alagad ng batas kontra iligal na armas sa isang parking area ng ospital sa Poblacion kung saan naaresto ang suspek na si Sehawi Ebrahim na nagpakilala pa na miyembro ng MILF at nakatalaga bilang deputy brigade commander ng MILF 102nd 7th Brigade, Musa Island Base Command.

Nakuha sa suspek ang isang 5.56mm rifle, isang 9mm na pistola, magasin at mga bala. Patuloy naman na biniberipika sa panig ng MILF kung isa ba ito sa kasapi ng kilusan habang nakatakda naman itong sampahan ng kaukulang kaso.