Umakto sa sumbong ng isang concerned citizen na mayroong iligal na gawain na may kinalaman sa droga sa Barangay Tubig Mampallam, Bongao, Tawi Tawi, rumesponde ang BONGAO PNP katuwang ang Tawi Tawi 1st PMFC sa lugar upang masiyasat ang nasabing sumbong.

Nang mapagalaman nilang positibo ang sumbong, dito na on the spot na nahuli ang sinasabing tulak ng iligal na droga sa lugar na si alyas “Ben” na nakikipagtransaksyon pa sa bumibili sa kanya ng droga.

Kumpiskado sa kanya ang dalawang (2) piraso ng heat-sealed plastic sachets ng white crystalline granules na hinihinalang shabu ang laman at may bigat na 4.5 na gramo at may halagang aabot sa P30,600.00 at mga parapernalya.

Himas rehas na ngayon ang suspek sa presinto at dinala ang mga epektos sa Bongao PNP upang maimbestigahan at maibigay sa tamang disposisyon.