Bukas palad pa rin ang Cotabato City LGU para sa lahat ng mga Contract of Service Employees o CSE’s na hindi makakapirma ng tinatawag na undertaking document na makapagpapanatili sa kanila sa kanilang mga trabaho habang hinahantay nila ang kanilang sahod.
Nilinaw din ni Mayor Bruce Matabalao na maari pa rin silang bumalik kung nanaisin nila at kung maayos na muli ang sitwasyon ng City Government.
Tumatanaw lang aniya ng utang na loob si Matabalao sa mga ito na naging katulong nito sa pagsusulong ng mga reporma at kaunlaran sa loob ng unang termino nito ng paglilingkuran.
Ayon pa kay Matabalao, inimumungkahi niya na maghanap ng malilipatang trabaho ang mga ito at kung mayroon man ay wag magatubiling tanggapin ito.
Mainam na rin aniya na kung sakali man ay pupunta ang mga ito sa mga katunggali nito ngayon sa pulitika para sa trabaho at hindi niya ito ipagtatanim ng sama ng loob dahil ang mahalaga aniya ay nairaraos ng mga empleyado ang araw araw nitong pamumuhay at kanilang mga pamilya.