Nakabiyaya ang nasa 1,500 na mamamayang residente ng lungsod ng Cotabato sa isinagawang cash assistance pay-out ng Tingog Partylist.

Pinangunahan ni Tingog Partylist Head Of Operations for BARMM at siya ring Tingog Center Manager Bai Lorna Ayunan Ebrahim na itong ayuda ay sa pamamagitan ng tinatawag na AKAP o AYUDA sa KAPOS ang KITA program.

Adbokasiya aniya ng Tingog Center at ng Tingog Partylist ang pagtulong sa mga grupo sa vulnerableng sektor at mga kapus-kapusan ang kita, alinsunod sa adhikain ng naturang partylist.