Bumisita sa PDEA BARMM ang mismong hepe ng ahensya na si PDEA Director General Virgilio Moro Lazo, kamakalawa.

Malugod naman siyang sinalubong ni PDEA BARMM Regional Director Gil Castro katuwang ang mga tauhan ng ahensya sa rehiyon.

Dito ibinahagi ni Castro ang mga napagtagumpayan, nagawa at mga accomplishments ng ahensya sa rehiyon.

Ipinaabot naman ni Lazo ang kanyang admirasyon at paghanga sa dedikasyon ng mga tao sa PDEA BARMM at ang pagiging committed nito sa misyon ng PDEA.

Nagsilbi ding oportunidad para sa mga tauhan ng PDEA ang nasabing pagbisita upang mapagbuti ang kanilang trabaho sa pagtataguyod ng drugfree na komunidad.