Isang indian national ang sugatan at milagrong nakaligtas matapos itong tambangan sa Barangay Labu-labu 1, Datu Hoffer Maguindanao del Sur kahapon.

Ayon kay Datu Hoffer PNP Chief Lt. Albert Pansoy, kinilala ang biktimang si alyas Gabriel. Lumalabas sa imbestigasyon ng kapulisan na minamaneho lamang ni Gabriel ang kanyang puting Innova mula sa bayan ng Datu Odin Sinsuat at pagsapit nito sa Datu Hoffer, dito na sya biglang tinambangan ng mga di pa tukoy na riding in tandem suspects.

Nagtamo ng tama ng bala sa siko ang biktima at himalang nakaligtas. Nagawa pa nitong imaneho ang kanyang sasakyan sa bahagi ng Kauran, Ampatuan at doon na ito humingi ng responde sa mga militar na malapit sa lugar.

Nagsasagawa na ng hot pursuit ang PNP Datu Hoffer at masinsinang imbestigasyon sa insidente.