Tepok ang isang lawless armed personality habang nalambat naman ang apat pa nitong kasamahan sa isinagawang law enforcement operation ng kapulisan at militar sa Barangay Labu-Labu Uno, Datu Hoffer sa Maguindanao del Sur, kahapon ng umaga, base sa kumpirmasyon ni 6th Infantry Division Commander MGen. Antonio Nafarette.
Ayon kay Nafarette, ang nasawi na kinilalang si alyas Abdul ay siyang suspek din sa pagpatay Kagawad Toto Gogo Kensa ng nasabing barangay at sangkot din ito at ang mga kasamahan nito sa isang pagtatapon ng granada sa bahay ng kapitan ng Tuayan Uno na si Norodin Lakman Ampatuan.
Dalawang linggo na ang nakalilipas ng maganap ang insidente.
Samantala, sinabi ni Nafarette na narekober nila sa mga kasapi ng lawless armed elements ang limang mahahabang uri ng baril, mga magasin at iba pa.