Naging matagumpay ang paglulunsad ng Walang Gutom Program ng DSWD Region 12 sa bayan ng Pagalungan, Maguindanao del Sur.

Mismong si Town Mayor Datu Abs Mamasabulod ang naging katuwang ng ahensya sa pamimigay ng tulong para sa mga benepisyaryo. Parte ng naturang programa ang pagbibigay ng bigas, karneng manok, isda, gulay, mga rekado, prutas at iba pa.

Labis-labis naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa malaking tulong na ito dahil karamihan sa mga benepisyaryo ay nakaranas ng hagupit ni Bagyong Kristine.

Unang tumanggap kahapon ang mga benepisyaryo ng Barangay Kilangan, Poblacion, Linandangan, Bagoinged, Kalbugan at Dalgan. Ngayong araw naman, nakatakdang tumanggap ang mga benepisyaryo mula sa mga barangay ng Layog, Galakit, Inug-ug, Buliok, Damalasak at Kudal.