Sa kulungan magdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon ang tatlong indibidwal matapos itong maaresto sa bisa ng mandamiento de aresto ng pinagsanib na pwersa ng Cotabato City Police at ng Philippine Marines sa tinutuluyang pamamahay ng mga nahuli sa bahagi ng kalye Mabini, Bagua 3 nitong lungsod.
Base sa impormasyon na galing sa kapulisan, naaresto ang indibidwal na si alyas Aman na nahaharap sa kaso ng paglabag sa International Humanitarian Law at RA 10591 hinggil sa mga armas nitong hawak habang ang isa pang kasamahan nito na si alyas Charisse ay may kinakaharap na kaso ng tangkang pagpatay.
Huli rin ang indibidual na kumanlong at nagtago sa dalawa na si alyas Meme. Pinaniniwalaan na ang dalawang nahuli ay mga miyembro ng Southern Mindanao Regional Committee ng makakaliwang grupo na New Peoples Army o NPA.