Malaki ang posibilidad na ang mga suspek sa naging pamamaril sa dalawang kanayaan sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur nitong nakaraang linggo ay mga men in uniform.
Ito ang pakiwari ni Atty. Assanudin Hassan na tumatayong legal counsel ng pamilya ng dalawang napatay.
Ayon sa abogado, bihasa at magaling sa paghawak ng armas ang mga salarin.
Iniulat pa nito na bago ang walang kapararakang kamatayan ng dalawang minor de edad ay nakita pa ang puting SUV na sinakyan ng mga namaril dito na nasa Cotabato City.
Sa ngayon, mayroon na silang mga tukoy na pangalan at mga suspek na sasampahan ng kaso.