Digital na o gumagamit na ng Electronic Local Government Unit Business Permit and Licensing System o eLGU-BPLS ang 43 na LGU’s sa rehiyon ng SOCCSKSARGEN at BARMM.
Ito ay ayon kay DICT 12 Regional Director Ibrahim Guiapar Junior.
Layunin aniya nito na mapabilis ang pagpoproseso ng mga business permits at lisensya ng mga LGU sa pamamagitan ng digitalization.
Ayon kay Guiapar, may 25 na bagong digital platforms ang gobyerno upang maging epektibo at accessible o madali na maaccess ang serbisyo ng gobyerno ng comon na tao.
Ayon sa datos ng ahensya, 34 na LGUs ng SOCCSKSARGEN at 8 naman sa mainland BARMM na ang eLGU-BPLS operational.