Pormal nang manunungkulan bilang bagong Police Provincial Director ng lalawigan ng Maguindanao del Norte si Col. Joel Estaris.
Ito ay kasunod ng pagbaba sa naturang pwesto ni Col. Sultan Sapal.
Naganap ang pagatang ng tungkulin kanina sa isang seremonya sa punong himpilan nito sa Barangay Simuay, Sultan Kudarat.
Sinaksihan naman ng mismong regional director ng PRO BAR na si PBGen Romeo Macapaz ang naturang turnover.
Dati nang nanungkulan si Estaris sa ating lungsod bilang direktor ng kapulisan nito. Samantala, di pa batid kung saan maitatalagang tour of duty si Col. Sapal.