Isang Toyota Wigo na may plakang LAG 4656 ang naaksidente ngayong hapon, Enero 28, 2025, bandang alas-2:00 sa Barangay Rebuken, Sultan Kudarat, sa tapat ng JP Garden.
Ayon sa mga saksi, nangyari ang insidente sa gitna ng kalsada, ngunit wala pang pormal na ulat hinggil sa sanhi ng aksidente at kalagayan ng mga saksi.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pangyayari. Nanawagan ang mga residente sa sinumang nakakakilala sa sasakyan o may-ari nito upang magbigay ng impormasyon na makakatulong sa imbestigasyon. Hinihikayat din ang mga motorista na mag-ingat sa kalsada upang maiwasan ang mga aksidente.