Pirmado na ang IRR o ang Implementing Rules and Regulations ng BAA o Bangsamoro Autonomy Act Number 62. Ang BAA 62 ay ang batas na kumikilala sa karapatan ng mga IDP’s o Internally Displaced Persons sa BARMM Region.

Ang paglagda sa nasabing IRR ay malaki umanong hakbangin upang mapalakas ang proteksyon at mapaigting ang karapatan ng mga nasabing IDP’s sa rehiyon.

Ayon kay BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim, magsisilbi ang BAA 62 na simula para sa matibY na proteksyon at magiging solusyon sa displacement.

Tinukoy naman nito ang commitment ng BARMM government na hindi puro pangako bagkus nagpapatupad ng mga kongkretong hakbangin at gawa para sa pangmatagalang solusyon para sa mga apektadong pamilya.

Siniguro naman ng gobyernong Bangsamoro na maipapatupad ng wasto at mahusay ang mga nakasaad sa BAA 62.