Tumanggap nang allout at malugod ang GPH Peace Implementing Panel sa pagkakatalaga kay former Maguindanao Norte Governor at ngayon ay newly installed BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua at sa mga bagong talagang Members of Parliament ng Bangsamoro Transition Authority o BTA.
Ayon sa implementing panel, ang naturang hakbangin daw ay pagpapatunay sa patuloy na pagtalima ng gobyerno sa kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at ng MILF bukod pa sa kahalagahan ng mga dialogo, inklusibidad at pagrespeto sa proseso ng ganap na autonomiya ng Bangsamoro.
Umaasa naman ang panel na sa pamamagitan ng pagkakatulong-tulong ng lahat ng mga sektor, makakamit ang isang mapayapa, progresibo at mahusay na Bangsamoro na tunay na nagrerepresenta sa adhikain ng mga mamamayan nito.