Magkakaroon ng nakatakdang power interruption sa ilang bahagi ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur bukas, Marso 29, 2026, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines.

Ayon sa abiso, magaganap ang pagkawala ng kuryente mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon. Maaapektuhan ang mga lugar na nasasakupan ng MAGELCO, partikular ang mga konektado sa Rajah Silongan Kudarat, Salbu, at Talayan substations.

Isasagawa ang nasabing power interruption upang bigyang-daan ang pagkukumpuni ng linya sa Esperanza–Talayan 69kV transmission line segment.

Ang electric cooperative ang magsasabi kung aling mga lugar ang mawawalan ng kuryente.

Samantala, tiniyak ng NGCP na gagawin ang lahat ng hakbang upang maibalik ang suplay ng kuryente sa lalong madaling panahon o ayon sa itinakdang oras.