Anim ang kompirmadong sugatan matapos na mang-araro ng isang fruit stand at mga motor ang isang ambulansya sa bahagi ng Katipunan-Sikitan road sa lungsod ng Kidapawan kagabi.

Kabilang sa anim na sugatan at isinugod sa bahay pagamutan ang mga kabataan at mga paslit na nakatambay lang sa fruit stand ng maganap ang malagim na aksidente.

Tatlong motor naman na nakaparada ang nadamay sa insidente kabilang na ang XRM, STX at MIO.

Nabatid pa na mula pa sa bayan ng President Roxas ang ambulansya na may markang “Bayan ng President Roxas” at wala itong laman na pasyente.

Sa paunang ulat, pinaniniwalaang inatake at tumaas ang presyon ng tsuper nito upang mawalan ito ng kontrol sa minamaneho ngunit may anggulo din na nakainom diumano ang driver.

Nag-overshoot ang nasabing ambulansya sa pakurbadang bahagi ng kalsada rason upang dumiretso ito sa tindahan ng prutas na nasa tapat ng isang bahay sa lugar.

Inaalam pa ang dagdag na detalye ng aksidente.