Tinalakay ni Philippine Army Chief Lieutenant General Donald M. Gumiran ang mga pangunahing prayoridad at usapin ng Hukbong Katihan sa mga brigade commanders sa isang virtual meeting noong Setyembre 18.

Layunin ng pagpupulong na talakayin ang command guidance ni LtGen. Gumiran at magkaroon ng direktang talakayan sa mga kumander ng mga brigada mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kabilang sa mga tinalakay ang pagpapahusay sa procurement system, partikular sa mga infrastructure project na may kaugnayan sa operasyon ng Philippine Army.

Inatasan din ni LtGen. Gumiran ang pagsusuri sa mga polisiya para sa personnel at human resource development, kabilang ang pagpapalakas ng training para sa mga military at civilian personnel.

Isinailalim din sa strategic review ang mga programa para sa basing at pagpapalakas ng mga pasilidad bilang bahagi ng force protection.

Hinimok naman ng Army Chief ang mga brigade commander na patuloy na ihayag ang mga isyung nararanasan sa ground, na aniya ay isinasaalang-alang sa pagpaplano para sa capability development ng Philippine Army.

Kasabay nito, hinikayat ni LtGen. Gumiran ang mga unit na magbahagi ng kanilang best practices, magtulungan sa pagtugon sa mga hamon, at manatiling nakatuon sa kanilang mga tungkulin at sa kapakanan ng kanilang personnel.