Muling umani ng atensyon ang dating Presidential Spokesperson na si Atty. Harry Roque matapos nitong tawaging “malas sa bayan” ang pamilyang Marcos sa isang video na inupload niya sa social media.

Sa naturang video kung saan kasama niya ang kontrobersyal na vlogger na si Maharlika, mariin nitong sinabi na kailanman ay hindi sila titingala o magpapasakop sa isang Marcos.

Ani Roque, dalawang beses nang naging malas para sa Pilipinas ang pamilya Marcos — patungkol sa panahon ng diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., at sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Not once but twice,” ani Roque sa kaniyang pahayag habang kasalukuyan itong nasa The Hague, Netherlands.

Wala pang pahayag mula sa kampo ng Malacañang o ng pamilya Marcos ukol sa matapang na salaysay ni Roque.