Ayon sa paunang ulat, naganap ang insidente ng pamamaril pasado alas-4:00 ng hapon sa tapat mismo ng Barangay Outpost na matatagpuan malapit sa gym ng barangay.

Kinilala ang biktima bilang si alyas Lamay, may asawa, isang Barangay Tanod at residente rin ng nasabing lugar.

Agad namang dinala sa pagamutan ang biktima para sa kaukulang medikal na atensyon.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang mga awtoridad upang makalap ang karagdagang impormasyon ukol sa insidente.