NASUNGKIT ng pitong (7) kabataang tubong bangsamoro ang pitong (7) medalya sa ginagahanap na Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City.

Dalawang (2) gintong medalya ang nasungkit nina Joeharry Olario Bones para sa Taekwondo Kyurogi (secondary boys) at Jamal Rahmat Pandi para sa Badminton Singles (secondary boys).

Nasungkit naman ni Muhammad Keyan A. Sarip tubong Marawi City ang pilak na medalya para sa Larangan ng Tennis. Habang ang mag-uuwi naman ng tansong medalya sina Albretch O. Job at Rushdie N. Marcaban para sa Tennis Doubles mga delegado mula sa Cotabato City, Princess Malaya L. Morante, Shiamira T. Sabirin, Abbigail H. Torres mula naman sa Lamitan City para sa larangan ng Arnis.

Ngayong araw (July 16, 2024) ay ang inaasahang pagtatapos ng Palarong Pambansa 2024 matapos ang higit isang linggong patimpalak sa Cebu City.