Binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa sa hanay ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at United Bangsamoro Justice Party (UBJP) sa isinagawang Monitoring and Validation activity para sa mga opisyal at miyembro ng UMMAHAT at PATAYAT nitong Mayo 11, 2026 sa James Palace.

Nakiisa sa aktibidad ang Campaign and Mass Mobilization (CMM) sa harap ng mahigit 395 kalahok bilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng organisasyon at pagpapalakas ng political engagement sa hanay ng mga kasapi.

Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni Abdulaziz Talib, CMM Focal Person at Director of Information ng Damakling Province, ang kahalagahan ng pagkakaisa sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng MILF. Ayon sa kaniya, mahalagang manatiling matatag at nagkakaisa ang mga miyembro upang masuportahan ang layunin at tagumpay ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP).

Samantala, nagbigay rin ng paalalang Islamiko si Sheikh Mohamad Sidiq Saeed hinggil sa kahalagahan ng pagsunod sa liderato o Amiyr bilang bahagi ng disiplina at pagkakaisa ng komunidad.

Muling ipinaalala naman ni CMM Secretary Moidjiddin Talusob ang mga sakripisyo at pakikibaka ng mga Mujahideen na aniya’y naging pundasyon ng kasalukuyang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) government.

Ayon sa mga organizer, bahagi ang aktibidad ng patuloy na pagpapalakas ng hanay ng MILF at UBJP tungo sa mas matatag at nagkakaisang Bangsamoro.