Sa ngalan ng pagkakaisa at kapayapaan. Ito ang dahilan ni BTA Member of Parliament Akmad Jack Abas kung bakit walang lumaban na kandidato sa bayan ng Ligawasan, SGA BARMM ngayong 2025 elections.

Isiniwalat ni MP Abas na nagkaroon umano sila ng paguusap nina OIC Mayor Esmael Mama alyas Commander Boy Hashim, MP Ali “Maestro Celis” Salik at Pagalungan Mayor Datu Salik Mamasabulod.

Nagkasubdo sila na sila ang pipili ng kandidatong tatakbo at wala itong magiging kabangga. Sa mga konsehales, ayon kay Abas ay pumili sila sa bawat pamilya sa bayan bilang tanda ng pagkakaisa at mapayapang halalan sa nasabing bayan.