Ilang netizen ang naantig ang puso sa isang video na kuha ni Janeth Budan kung saang makikita ang isang bata na maliban sa kanilang mga importanteng gamit kagaya ng bigas, damit at iba pa ay isinalba din nito sa kanilang paglikas ang rebulto ni Senyor Sto Niño.

Naganap ito kagabi sa biglang pagbaha sa Barangay Bantac, bayan ng Magpet sa Cotabato dahil sa malakas na pagulan at pagkasira ng dike sa barangay.

Ilang bahay ang inanod at pinasok ng tubig sa naging pagtaas ng baha.

Nakapangingilabot ang ipinakitang pananampalataya ng bata at ng kanyang lola na sa gitna ng unos ay nariyan ang Diyos upang gumabay at umalalay sa atin.