Nakipagpulong ang Bangsamoro Board of Investments (BBOI) sa lokal na pamahalaan ng Datu Paglas sa isang inter-agency coordination meeting kamakailan, bilang bahagi ng kanilang layuning palakasin ang kolaborasyon at tuklasin ang mga posibleng oportunidad sa pamumuhunan sa probinsya.

Ayon sa BBOI, layon ng naturang inisyatiba na tiyakin na ang mga lokal na prayoridad ay naka-align sa mas malawak na agenda para sa investment at development ng Bangsamoro region.

Binanggit sa pagpupulong ang kahalagahan ng magkatuwang na hakbang upang lumikha ng business-friendly na kapaligiran, makahikayat ng responsableng pamumuhunan, at mapalakas ang ekonomiya ng Datu Paglas para sa kapakinabangan ng mga residente.