Sa eksklusibong panayam ng 93.7 Star FM Cotabato kay Bangsamoro Darul-Ifta (BDI) Spokesperson Sheikh Abdulkahar Musa ay ipinaliwanag nito sa lahat ng mananampalatayang Muslim ang kahalagahan ng Amun Jadid sa kanilang pananampalataya.
Ayon kay Sheikh Musa, mahalaga ang Amun Jadid sa lahat ng tao lalo na sa lahat ng muslim, sapagkat ito ay nagsisilbing paalala upang balikan at suriin ang mga nagawa sa nakalipas na isang taon.
Aniya, ang Amun Jadid ay isang mahalagang pagkakataon para sa pagninilay at pagsusuri sa sarili, kabilang ang pagkilala sa mga mabubuting nagawa at sa mga aspeto ng buhay na nangangailangan pa ng pagpapabuti. Sa pamamagitan nito, nabibigyan ng pagkakataon ang bawat Muslim na magtakda ng mga layunin at adhikain para sa mga susunod pa na mga taon.

















