Itinaas na sa Blue Alert Status ang estado ng paghahanda at activado na rin ang Bravo Emergency Preparedness and Response Protocol ng Bangsamoro Disaster Risk and Reduction Management Council.

Ito ang napagkasunduan ng mga ahensyang nagpulong bilang paghahanda sa nalalapit na pananalasa ni Tropical Storm Marce sa bansa. Pinalalahanan din ng BDRRMC ang mga LDRRMC sa mga bayan bayan na gawin din ang mga nararapat na hakbangin at imonitor ang kanilang mga paligid sa oras ng bagyo.