Pansamantalang sinuspinde ang jogging at iba pang recreational activities sa loob ng Bangsamoro Government Center (BGC) bilang bahagi ng ipinatutupad na pinaigting na security measures.
Ayon sa advisory ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ngayong Agosto 16, 2026, epektibo ang suspensyon simula bukas, Agosto 17, 2026, at mananatili ito hanggang sa magkaroon ng panibagong abiso.
Kabilang sa inabisuhan na sumunod sa direktiba ang mga empleyado, bisita at publiko na pumapasok o nagsasagawa ng mga aktibidad sa loob ng BGC.
Inatasan naman ang mga security personnel na mahigpit na ipatupad ang naturang advisory at tiyaking nasusunod ito sa buong premises ng Bangsamoro Government Center.
Hiniling ng pamunuan ang pang-unawa at pakikipagtulungan ng publiko habang ipinatutupad ang mga hakbang para sa seguridad ng lugar.

















