Umakyat na sa walong katao ang naiulat na nasawi matapos tumama ang malakas na magnitude 7.8 na lindol sa ilang bahagi ng Mindanao, ayon sa pinakahuling tala ng Office of Civil Defense (OCD).

Batay sa datos ng OCD, tatlo sa mga nasawi ay mula sa Davao Occidental, tatlo rin ang naitala sa General Santos City, habang dalawa naman ang kumpirmadong nasawi sa South Cotabato.

Patuloy pa rin ang isinasagawang assessment at validation ng mga awtoridad sa iba’t ibang lugar na naapektuhan ng malakas na pagyanig upang matukoy ang kabuuang lawak ng pinsala at iba pang posibleng biktima.

Nauna nang iniulat na nagdulot ng matinding takot at panic ang lindol sa maraming residente sa Mindanao, kabilang ang ilang lugar na nakaranas ng malalakas na pagyanig at paglikas ng mga mamamayan mula sa mga gusali at paaralan.Umakyat na sa walong katao ang naiulat na nasawi matapos tumama ang malakas na magnitude 7.8 na lindol sa ilang bahagi ng Mindanao, ayon sa pinakahuling tala ng Office of Civil Defense (OCD).

Batay sa datos ng OCD, tatlo sa mga nasawi ay mula sa Davao Occidental, tatlo rin ang naitala sa General Santos City, habang dalawa naman ang kumpirmadong nasawi sa South Cotabato.

Patuloy pa rin ang isinasagawang assessment at validation ng mga awtoridad sa iba’t ibang lugar na naapektuhan ng malakas na pagyanig upang matukoy ang kabuuang lawak ng pinsala at iba pang posibleng biktima.

Nauna nang iniulat na nagdulot ng matinding takot at panic ang lindol sa maraming residente sa Mindanao, kabilang ang ilang lugar na nakaranas ng malalakas na pagyanig at paglikas ng mga mamamayan mula sa mga gusali at paaralan.