Matagumpay na naisagawa ang ikaapat na barangay bloodletting activity ngayong taon ng Barangay Rosary Heights 11 sa pangunguna ni Chairman Joharto Binangon.

70 na residenteng indibidual ang tumugon sa tawag ng pagtulong upang mabigyan ang ating mga kababayan ng tinatawag na liquid gold o pangangailangan na dugo.

Katuwang ng BLGU ng RH 11 ang CRMC, Ministry of Health, City Health Center, SK ng RH 11 maging ang socio civic group na Metro Cotabato Eagles Club.