Tinanggap ni Bangsamoro Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua ang pamumuno sa Bangsamoro Federalist Party o BFP.
Sa kanyang pahayag, nagpasalamat si Macacua kay MP Tomanda Antok para sa naging serbisyo nito, gayundin sa Bangsamoro Islamic Armed Forces o BIAF para sa ipinahayag nitong suporta.
Binigyang-diin ni Macacua ang kahalagahan ng pagkakaisa at katapangan ng mga lider sa mga panahong nangangailangan ng sama-samang pagkilos para sa kinabukasan ng Bangsamoro.
Ayon kay Macacua, bagama’t magkakaiba ang tungkulin ng bawat isa, iisa ang kanilang pananagutan—ang pagtutulungan upang makabuo ng mas matatag na Bangsamoro at mas magandang kinabukasan para sa susunod na henerasyon.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag din ni Macacua ang kanyang suporta sa BIAF at BFP, kasabay ng panawagan para sa pagkakaisa tungo sa isang mas matatag na Bangsamoro.

















