Nagsagawa ng surpresang Random Drug Testing sa mga personahe ng Cotabato City Police Office ang Regional Forensic Unit- BAR kahapon, Enero 6 sa CHQ ng CCPO sa Cotabato City.
150 na kawani ng CCPO ang sumailalim sa testing at ikinatuwa ni City PNP Director Col. Jibin Bongcayao na walang nagpositibo sa kanilang hanay.
Ayon kay Bongcayao, gagawin na nilang regular sa kanilang kawanihan ang naturang testing.
Hinimok din nito ang mga Barangay sa lungsod na gayahin din ang naturang hakbangin upang malinis ang kanilang bakuran sa iligal na droga.