Huli sa isinagawang hot pursuit operation ng Presinto Uno sa lungsod ang dalawang lalaki na nanloob sa isang bahay na may tatlong dalaga na nakatira sa Zone 5, RH1 kahapon ng hapon.

Kinilala ang mga nahuling kawatan na sina Johson Custodio Lim at Camal Sanguan na mga trabahador sa isang construction at parehas na nakatira sa nabanggit na barangay.

Sa ulat ng pulisya, naaresto ang dalawa makaraang masangkot ang mga ito sa panloloob sa isang bahay sa nasabing lugar dakong alas tres ng umaga kahapon.

Sa kanilang pagkakahuli, nakumpiska din sa mga ito ang dalawang maliit na pakete ng suspetsadong shabu. Dahil dito, swak sa oblo ng presinto Uno ang dalawa at posibleng maharap sa patong patong na kaso, una sa panloloob nito at ikalawa naman sa iligal na droga.