Arestado ang isang negosyante sa ikinasang entrapment operation sa Barangay Lanao, Kidapawan City, kung saan nasabat ang tinatayang P510,000 halaga ng smuggled na sigarilyo.
Kinilala ang suspek na si Harry Estrada Castillano, na nahuli ng pinagsanib na puwersa ng Police Regional Office-12 at Kidapawan City Police matapos ang isinagawang tradeoff sa Purok 6 nitong Sabado ng gabi.
Nakuha mula sa operasyon ang 13 kahon ng sigarilyong imported mula Indonesia na natagpuan sa bahay ng suspek. Kasalukuyan itong nakakulong at nahaharap sa kaukulang kaso. Ayon sa pulisya, naging matagumpay ang operasyon sa tulong ng barangay officials.