Hustisya ang tahasang sigaw ng mga kaanak ng natagpuang bangkay na may tama ng saksak at wala nang damit sa isang fishpond sa Barangay Bulakanon sa bayan ng Makilala ngayong umaga lamang.

Kinilala ang biktima na si Erlinda Cerdan alyas Inday, 54 anyos.

Ayon sa anak nito, kahapon Agosto 7 ng simulang mawala ang kanilang nanay.

Sa naging paghahanap nila sa kanilang nanay, dito na lamang nila natagpuang malamig na bangkay na ito.

Ilan sa mga saksak na natamo ni Aling Inday na agarang ikinamatay nito ay apat sa dibdib.

Bago pa ito pinatay, pinaniniwalaang ito ay hinalay pa ng mga suspek na kinukumpirma pa hanggang sa ngayon ng mga autoridad.

Patuloy naman na nakikipagugnayan ang kapulisan sa iba pang nakakita upang maimbestigahan ang kaso.

Umaapela naman ng hustisya at tulong ang pamilya nito para sa burol at pagpapalibing ng kanilang kaanak na namatay dahil sa krimen.