Inaasahan ng mga konsyumer ang panibagong bawas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ngayong linggo na inaasahang magbibigay kahit bahagyang ginhawa sa kanilang araw-araw na gastusin.
Sa abiso ng LPG supplier na Solane, magpapatupad sila ng rollback na ₱3.36 kada kilo, kasama na ang value-added tax (VAT), na epektibo alas-6 ng umaga ngayong Abril 21, 2026.
Katumbas nito ang humigit-kumulang ₱33 na bawas sa bawat 11-kilogram na tangke ng LPG na karaniwang gamit sa mga kabahayan para sa pagluluto, ayon sa LPG Marketers Association.
Ayon sa grupo, ang pagbaba ng presyo ay dulot ng pagbawas din sa gastos sa shipping at transportasyon sa mga nakalipas na linggo na nagresulta sa mas mababang presyo sa merkado.
Sinabi rin na inaasahan na ng mga konsyumer ang naturang rollback sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng iba pang pangunahing bilihin, na kahit papaano ay makatutulong sa pagga-gawa ng budget ng bawat pamilya.

















