“Iniwan na kaya niya ang BGC?”

Ito ang mga katanungan ng mga netizens matapos na magbahagi ng litrato si Dating Maguindanao Governor Toto Mangudadatu ng larawan kasama si Lanao Del Sur Governor Mamintal “Bombit” Adiong sa pagtitipon ng mga gobernador at mga BARMM officials na kaalyado ng UBJP.

Kasama din sa nasabing litrato si Maguindanao del Norte Governor at tumatayong UBJP Secretary General Sammy Gambar Macacua.

Isa si Governor Adiong sa mga mataas na opisyales ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC.

Tikom naman ang bibig ni Governor Adiong ng makuhanan ito ng kanyang panig hinggil sa litratong ito.