Walong pamilya na mula sa Sitio Mayan, Barangay Labu Labu 2, Datu Hoffer Maguindanao del Sur ang nailigtas mula sa tiyak na panganib na dulot ng rumaragasang baha ng mga staff ng Maguindanao del Sur PDRMMO kasama ang walong responders ng Barangay at dalawang staff ng BFP kahapon, araw ng Martes.

Sama-sama nilang nilusong ang malalim na tubig-baha upang mailikas ang mga pamilya.

Ayon kay MDS PDRRM Operations Chief Tim Ambolodto, 29 na indibidwal ang bumubuo sa walo na naapektuhang pamilya.

Dinala na nila ang mga ito sa pinakaligtas na lugar.