Ipinakita ito ng mga tauhan ng Police Station 3 sa Cotabato City matapos maglaan ng libreng sakay para sa mga senior citizen bilang bahagi ng kanilang Community Outreach Program.
Sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Nurar-Rahma J. Abdulla, Officer-In-Charge ng himpilan, isinagawa ang naturang hakbang kahapon Agosto 24, dakong alas-11:21 ng umaga sa MB Tamontaka, Cotabato City.
Sa simpleng libreng sakay, natulungan ang mga senior citizen na makarating nang mas ligtas at maayos sa kanilang mga pupuntahan.
Ipinakita ng PNP na ang serbisyo publiko ay hindi lamang nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, kundi maging sa agarang pagtulong at paglingap sa mga nangangailangan.
Sa pamamagitan ng ganitong mga hakbang, pinatutunayan ng mga tauhan ng Police Station 3 na ang serbisyong may malasakit, respeto at pag-aaruga ay mahalagang bahagi ng kanilang tungkulin, lalo na para sa mga nakatatanda.

















