Pinapaalalahanan ang publiko na bukas, Hunyo 20, 2025 (Biyernes) ay Special Non-Working Holiday sa buong Cotabato City bilang bahagi ng paggunita sa 66th Araw ng Cotabato.
Batay sa abisong inilabas ng Office of the Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ngayong Hunyo 17, ang deklarasyon ng holiday ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1745 na nagsasabing tuwing ika-20 ng Hunyo ay ipinagdiriwang ang Araw ng Cotabato.
Dahil dito, lahat ng ministries, offices, at ahensya ng BARMM na nasa loob ng Cotabato City ay walang pasok bukas, at excused sa trabaho ang mga empleyado upang makiisa sa taunang selebrasyon ng lungsod.
Ang advisory ay nilagdaan sa ngalan ni Chief Minister Abdulraof A. Macacua at ipinatupad sa pamamagitan ni Senior Minister Mohammad S. Yacob, Ph.D.
Ang pagdiriwang ng Araw ng Cotabato ay mahalagang pagkilala sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan ng lungsod.