Pansamantalang sinuspinde ang lahat ng jogging at iba pang recreational activities sa loob ng Bangsamoro Government Center (BGC) simula ngayong Hulyo 17, 2026, bilang bahagi ng pagpapatupad ng pinaigting na security measures.

Batay sa inilabas na public advisory, epektibo ngayong Hulyo 17, 2026 ang pansamantalang suspensyon ng lahat ng jogging at iba pang recreational activities sa loob ng Bangsamoro Government Center hanggang sa maglabas ng panibagong abiso.

Pinapayuhan ang lahat ng empleyado, mga bisita, at miyembro ng publiko na mahigpit na sumunod sa naturang direktiba alang-alang sa kaligtasan at seguridad ng lahat.

Inatasan din ang lahat ng security personnel na tiyaking mahigpit na maipatutupad ang naturang advisory at masusunod ito ng lahat ng nasa loob ng Bangsamoro Government Center.

Nagpasalamat naman ang pamunuan sa pag-unawa at pakikipagtulungan ng publiko habang ipinatutupad ang naturang hakbang.